Hindi lahat ng nakikita mo nagmomodel ay mayaman na agad yun iba nga libre lang. At kung Bakit mo ba sinasali sila sa Fashion Show?

Ang saya sa pakiramdam na ang anak mo ay kasali sa isang Fashion Show. Naghahanda ka ng dadamitin niya at mga gagamitin sa araw na yun at dapat bongga sya. Darating yun araw na makikita mo rumarampa ang anak mo sa stage mag isa kakaway kaway at mag posing na super cute cute nya with matching flying kiss. Tapos mag trending yan sa Facebook dahil sa mga pictures na pinost mo, pinost ng friend mo, pinost ng official photographer ng event, at pinost ng may naka hashtag pang #babymodel #fashionista at kung anu anu pang ka hashtagan. Siempre ang gaganda ng picture dahil sa power of editing at siguradong tuwang tuwa tayong mga parents pag nakita natin yun.

Sa takbo ng industriya ngayon lahat may chance or opportunity ang mga bata makasali sa mga ramp modelling, fashion shows, at mga events. Yun iba true may bayad usually from 2k- 3500k pero sulit na yan kasi may mga free 1-2 outfit, event shirt, goodies at kung anu ano pa. Dahil yan sa mga nag sponsor na clothing line lalo na yun mga Online Shops ng mga moms. Dati walang free outfit swerte na yun may certificate, event shirt, at goodies. Pero dahil sa mga experiences nagiging mas maayos ang pag oorganize ng event at dumadami ang sponsors kaya dumadami rin ang sumasali.

Meron din naman tayong tinatawag na XDEAL means to barter or trade for services.. Yan yun agreement between two parties na gagawin kitang model ng photography ko or ng shop ko pero walang money involve may kaukulan bagay na pwede exchange pero no money involve. Pwedeng Kukuhanan kita ng maganda shots pero imodel mo ng best effort kasi gagawin yan Ads o diba may great picture ka na may pagkakataon ka pang mag model at makita sa social media. Yun iba naman may free outfit na in exchange.

Kaya lang may mga taong mapanghusga. Akala nila mayaman at mapepera lahat ng sumasali sa fashion show. Hindi po lahat mayaman o mapera yun iba po libre lang o nalibre lang. Yun kay Ashley never pa kami napasali sa fashion show na may talent fee kami. Nagkakapagramp po si Ashley dahil kay Kuya Jay at napasok sya sa Jutay’s Closet by Nina De Vera. Nag ssponsor kasi si Jutay’s sa mga Fashion Show. Nagbibigay ng free outfit si Jutay’s sa event organizer para imodel ang collections tapos dawit na dun yun mga Jutay Dolls kung san kasama si Ash sa pag ramp o model ng damit on stage. Yun iba naman like yun sa Mannequin by Sherry Villanueva ay nag bigay ng malaking discount. Yun mga dating sinalihan ni Ash na ramp contest halos wala rin kami nagastos sa tulong ng mga kaibigan, ka beks, ka sis. ninong  at ninang, handler sa pag sponsor nila.

Sabihin man ng iba na grabe ha sali sali sa contest di naman kayang magbayad o walang pera. Ok lang yun kasi may mga magagandang loob na mga kaibigan na handang tumulong sa amin kasi maayos kami makisama. Yun iba natutuwa at nabibilib kay Ashley kaya kung todo suporta nalang sila. May mga ramp po na nag pay kami yun mga mura lang at may extra budget kami. Yun tig 500 lang hanggang 1k pero may free outfit na kami dun.

Hindi po kasi kami mapera akala kasi ng iba ay nagmomodel si Ash lalo na sa Charming Photographs. Mahal kong kaibigan si Charms katuwaan lang namin ang picturan si Ash para teaser lang at idea sa next theme or concept nya. Pero unlike yun mga clients nya na may payment complete package po ang service nya may print outs, at madaming edited files. Sa amin po hindi ganun para fair sa mga clients nya. Nag eenjoy lang po kami magkuhanan ng picture bonding narin ng mga friendship.

Yun sa Bet on your Baby namin hindi po ako naging MILYONARYO ang napalunan ko lang dun at 10 thousand petot na hinati ko pa sa kapatid at pamilya ko at share namin bonding treat with friends. Ang nabili lang ni Ash sa premyo nya at Leapster Explorer 1700k naka sale pa dating 3500php sa Warehouse Sale sa SMX at si Kuya Boo naman 650php na remote control car at yun natira konti pinangkain nalang. Pasensya na po sa mga hindi namin na treat lalo na yun mga old friends. Kasi hindi na talaga kakayanin ng prize money namin na ilibre pa kayong lahat.

Hindi porket OFW ang asawa ko eh mapera na. Wala na po akong work at nag na ngupahan lang kami ng bahay 4500k po per month. Kaya po kami nakakuha ng bahay sa Lancaster kasi kung todo OT po ang asawa ko at hindi umuwi ng pinas para makakuha ng sariling bahay na niloko naman kami ng agent na malapit sa amin anlaki narin ng pera naibayad dun.

Hindi po namin afford ang gumastos ng malaki sa mga fashion show or photography. Kasi wala kaming pang extra dyan at hindi po ako kung todo mamili ng mga damit or gadget namin simple lang po kami. Masaya na kami nakakain ng masarap at nakakasama sa mga get together ng mga ka beks. Alam ng mga ka beks at ka sis namin yan kaya super thankful ako sa kanila kasi mahal nila kami. Never po akong nagmayabang at nagpasikat ng mga gamit kasi wala naman kaming ipapakita hehehe.

Masaya lang po ako nakikita kong nag eenjoy si Ashley sa pag ramp model nya. Gumastos man ako pero konti lang minsan hiram pa yun damit nya or nabili ko lang ng naka super sale. Practical mom po kasi ako kung madami akong pera why not salihan ko lahat kasi nakikita kong magaling ang anak ko kaya lang may needs kami dapat unahin. Tama lang ang pera nakalaan samin every month pero minsan kulang lalo na pag may emergency or sakit. Kaya hindi lahat ng nakikita mo nagmomodel ay mayaman. That’s entertainment lang yun mga fashion show at open door sa totoog modelling opportunity na nakikita sinasalihan ng maaraming mga bagets. Iba po kasi yun mga sinasalihan ni Ash na Fashion Show sa mga Runway ng mga Branded Clothing line yun may bayad yun. At lalong hindi po artista si Ashley at wala pa kaming TVC still working hard parin po kami sa mga casting at praying na one day may tamang project para sa kanya.

Kaya uulitin ko  “Hindi lahat ng nakikita nyong nagmomodel o rumarampa sa stage ay mayaman o mapera o madaming pera na or binabayaran o may talent fee na yun iba po libre lang at libre lang managarap maging isang supermodel”

PnQ (Pahabol na Question)

Ate bakit mo ba sinasali ang anak mo sa mga modelling na yan eh wala naman palang bayad? Nagpapagod lang kayo at nagsasayang ng pera sa pamasahe, pagkain, at registration fee at todo effort sa damit and everything?

Una sa lahat hindi po ako ang may gusto rumampa or mag model sya, sya mismo ang nag pakita ng interest nya sa modelling. Bilang isang magulang andyan tayo para sa kanila para sumuporta sa kung anuman ang gusto nila. Ang gusto ko lang is yun maiba ang childhood nya yun mas masaya kesa sa childhood ko yun ibang level naman na aanyon sa gusto nya at kakayahan nya. Para sakin gift yun mahusay sya sa pag ramp, acting, singing, dancing, so sabi nga nurture the gift to become a talent which is the key to his/her success. Minsan lang maging bata why not gawin natin more fun? Dun kami masaya ni Ashley pag nakikita namin sya nag strike ng pambihirang pose, makabaling beywang na bend, taba cheeks smile, flying kiss, at mala Victoria Secret Angel ang the moves. Eh heto kami masaya at alam ko masaya ang anak ko sa ginagawa nya. Kasi kung ayaw nya iiyak yan at magtatakbo sa stage. Kaya lang sa edad nya may kakaibang routine na sya sa pag rampa. Hindi naman namin habol ang pera na ay dapat yun anak ko binabayaran kasi sayang yun oras at pagod nyan kawawa naman. Masaya kami sa ginawa namin at the same time dito sa mga Fashion Shows kami nagkaroon ng mga tunay na kaibigan at mas dumadami pa. Siempre sino ba namang bata at magulang hindi na nangarap maging model ang anak nila halos lahat naman pero naniniwala ako na lahat ay may tamang panahon at tamang project. Basta sipag at tyaga lang at siempre disiplina at talent. At importante yun pakikisama ng magulang lalo na bata ang talent o model. Basta ako masaya ako pag nakikita ko ang anak ko sa stage hindi namin habol ang TF bonus nalang if may ganun.

If ever naman na hindi para sa kaniya ang showbiz malaking tulong ito sa self confidence nila sa school. Si Ash dati mahiyain yan umiiyak pa nun final casting nila sa Blue Waters Day Spa Baby Model Search kasi hindi sana sa tao. Nun maisali sa fashion show at nakahalubilo ang mga kaedadaran nya naging Miss Friendship na sya.

So ayan na explain ko na yan lang naman ang nararamdaman ko. Kasi yun iba contra bulate sa mga ganyan. Subukan nyo paakyatin ang anak nyo sa stage at palakpakan ng madaming tao pupusta ako ng isang daan petot hehehe kung walang smile na mamumutawi sa mukha nyo.

Kaya yun mga kontra bulate at mga mapang husga eh sabi nga ni Taylor Swift “Shake It Off!” pero mas mabuti ng maliwanag para naman hindi habang buhay naka mindset yun feeling mo tama sayo at paniniwala mo. Hindi lahat ng naiisip mo sa isang tao at totoo.

Kaya hope this enlighten kahit pano. Thank you muah!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s