Pwede Bang Pakibagalan ang Oras? Ayoko pang lumaki ka agad Anak!

Ngayon araw na ito mga bandang hapon, nag ayos ako ng drawer ni Ashley. Andami na rin pala nyang kinaliitang damit. Sinukat nya yun ibang hindi nya masyadong nasusuot, kasya pa naman pero medyo maliit na rin sa kanya yun iba. Magkahalong saya at lungkot ang nadama ko habang nakatingin sa kanya pinasusukat ko ang mga damit. Ang bilis ng panahon ilang buwan nalang mag 4 years old na siya. Kahit si kuya Boo naramdaman yun lungkot sa tono ng boses ko nun sinabi ko kay Ash na “Beh, anlaki mo na”. Tapos si Ash naman masayang sinabi sakin “yes mommy big girl na ako no!”

Naalala ko tuloy nun maliit pa si Kuya Boo.

25698_104698512894628_172985_n

Binubuhat ko rin nun kaedaran sya ni Ashley. Natutulog sya sa tiyan ko tuwing day off ko from work. Ngayon mas malaki pa sya sa akin at hindi ko na magawa yun dati na bubuhat ko pa sya sabay ikikiss sa matambok nyang pisngi. Ngayon binatilyo na sya.

Pero kahit ganon masuwerte parin ako kasi nasusubaybayan ko ang paglaki ni Ashley. Minsan naiinis ako kasi ang hilig magpabuhat. Bibili lang sa tapat na tindahan kailangan buhatin pa. Pupunta lang sa kabilang kanto papunta kela Mommy papabuhat parin. Yun pala dapat tanggapin ko yun iembrace ko pa ang moment na yan. Dahil in a few years from now mas lalaki pa sya at darating ang time na hindi ko na sya mabubuhat. Hindi na sya magmomodel model sa harap namin pagkatapos kumain. Hindi na sya magraramp model sa ibabaw ng kama. Hindi ko na sya mapapatong sa taas ng mesa para punasan after nyang maligo.

Medyo natatakot akong dumating yun oras na yan. Pero ganon talaga lumilipas ang panahon. Hindi natin mapipigilan yan. Pero wish ko lang sana bumagal ng kahit konti lang.

Good decision din na nagresign ako kapalit ng mga gabi gabi na makasama ko si Ash at Kuya Boo. Ang work andyan lang yan pero ang childhood nila hindi na maibabalik yan. Ang swerte ko kasi madami akong time para sa kanila. Yun lang naiiyak ako kasi kapalit nito ay yun namimiss naman ng Daddy ni Ashley yun moment na little girl pa ang anak nya.

Kung pwede lang forever nalang 3 years old si Ashley. Wala nakong mahihiling pa. Mamimiss ko yun maliit na boses nyang kumakanta ng Tomorrow, Somewhere out there at kung anu anu pang sariling compose nyang kanta,

Mamimiss ko yun nakakatawang tawa ni Ash na halos masamid sa kakatawa. At malilit na kamay na hahaplos pag may masakit sa likod ko. Lahat ito mamimiss ko pag laki nya.

Niyakap namin ni Kuya Boo si Ashley ng mahigpit at masaya kami kung anong meron kami konti man o marami. Salamat we were blessed with a baby girl named Alyssa Ashley J. Namilit.

297814_269373523089361_3799409_n

Ash n Boo

10492305_908436795849694_8051318293151302222_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s