Celebrating at Mad For Pizza (pinoy version post)

Pagkatapos ng 3 consecutive days namin pag aaudition sa iisang lugar from November 7, 8, 9 at ELJ Building ABS-CBN nakapag relax din kami. November 10, 2011 nun malaman ko ang good news from Beatalent Agency na approved si Ashley sa role na pinag audition nya.

Kaya pala di ko magamit gamit noon pa ang voucher na nabili namin sa Metrodeal two months ago kasi may pinaglalalaan pala itong mas magandang celebration. Dapat kasi nun birthday ko pa kaya lang hindi natuloy naiba ang plano. Anyway, after namin mag sign ng contract dumeretso na kami sa 2nd level, Il Terrazzo Bldg., Tomas Morato para magamit yun voucher namin na Topping All You Want Pizza and Get a Justin’s Pizza for Free for P285 instead of P535 at Mad For Pizza.

Mad For Pizza at MetroDeal
Mad For Pizza at MetroDeal

Super happy ni Allen and Ashley. Tamang tama ang voucher na ito sa munti namin celebration dahil ginawa ni Ashley ang best nya. Sabagay parang butas ng karayom yun pinagdaanan namin nun at sinuwerte lang talaga na sya ang napili. Sobrang thank God talaga hindi rin namin inexpect yun ang mahalaga binigay namin o ni Ash ang best nya.

So here we are!

IMG_5091

Nabili namin yun voucher for only 285php mayroon na kaming 2 pizza. Isang Justin’s Pizza and Topping All You Want Pizza. Very accommodating ang mga staff dito. Serve agad sila ng menu kahit si Ashley binigyan din at isang papel na dun ka lista ang mga toppings for the pizza. They have 4 kinds of pizza dough. Pero pinili namin is Garlic Parmessan Dough kasi sabi ni Sir yun daw ang best seller pati sa sauce Alfredo nalang. Tapos icheck ko lahat ng toppings na gusto ko ilagay sa pizza. wow as in andami sorry nalimutan ko picturan andaming cheeses, meat, and vegetable toppings. Pwede mong icheck lahat. Ayan meron pala silang malaking kodigo.

IMG_5075

Justin’s Pizza
                       Justin’s Pizza
Topping All You Want Pizza
Topping All You Want Pizza

Hay grabe heaven ang sarap. Siempre na miss din namin ang Nachos. Kasi yun last namin eat out ng nachos December 2013 pa ata yun sa Iceberg MOA celebration din ng winning moment ni Ash sa Baby Expo. Memorable lahat diba.

Nachos 198php
Nachos 198ph
Strawberry Ice Tea 98php
Strawberry Ice Tea 98php

Good job baby Ashley namin. Nagbunga din ang pagtatyaga mo at determinasyon mo para matupad ang isa sa mga pangarap mo. Andito lang kami para sayo baby namin para sumuporta. Sa munting halaga para sa pagkain (minsan lang naman) napasaya ang munting bata. No need bilan ng magrabong laruan para reward ayaw nya kasi non pwede na sa kanya yun food trip o story book sa book sale minsan tig 15php lang. Minsan request lang madaming Vfresh daw mga 5 piraso.

IMG_5089 IMG_5086 IMG_5084 IMG_5083 IMG_5081#Familybonding #winningmoments #butasngkarayom #sipagattyaga #madforpizza #metrodeal

http://www.metrodeal.com/deals/Metro_Manila/Mad-for-Pizza/725663653 (Avail na!)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s